No thanks to American Airlines, our short trip to Chicago for the weekend is cancelled. Grabe, gustung-gusto ko nang kurutin ng pinung-pino yung agent na kausap ko kanina. Maliban sa monotone yung boses nya (nakakairita!), wala daw siyang makitang return flight after 6am nung tina-try ko ipa-reschedule for next week, kahit hanggang June daw. Hello? Eh katitingin ko lang sa website sandamakmak yung return flights from Chicago - NY, a two-hour flight, walang makita? Distansyang Baguio - Manila ba ‘to? Tapos nung sinabi ko yung nakita ko sa website, sabi nya, hindi daw yun updated. Gusto kong sabihin sa kanya, “Gaga ka ba?” Pero ang sinabi ko na lang, ”This is crazy!” (Naks). Paanong di updated eh unang-una, misleading yun. Pangalawa, several people do their domestic reservations online, paanong di updated? Pagkatapos, pina-hold ako, after a minute, mayamaya biglang nagbusy yung signal at nawala. Grrr. Gusto kong manapak.
Putreska. Mapapa-anak ako nito eh.
Posted in hits and misses





