Bagamat hindi isang ‘true triangle’ ang pyramid dahil ang base nito ay parisukat, tatlo naman ang sulok ng bawat side kaya marahil ay pasado na din ang aking lahok para sa linggong ito.
Ito ang Pyramid sa harap ng Louvre Museum.

Ayon sa wikipedia, itinayo daw ito para malunasan ang problema sa entrance ng museum dahil sa dami ng mga bumibisita. Maraming kontrobersya ang bumabalot sa pagtayo nito, isa na ang urban legend na nagsasabing anim na daan, animnapu’t anim na salamin daw ang bumubuo ng naturang pyramid. Alam nyo na ang ibig sabihin nyan. Matatandaan din na kamakailan lamang, ang tanyag na landmark na ito ay kumalap muli ng kontrobersya dahil sa nobela ni Dan Brown na Da Vinci Code.
Isang napakagandang lugar na pasyalan, lalo na kung Biyernes ng gabi, dahil late silang nagsasara at mas mura ang entrance fee. Opo, kuripot ako.
~~~
This is the Pyramid in Louvre Museum.
According to Wikipedia, the pyramid was created to resolve the issues of the main entrance due to the enormous number of visitors in the museum. The Pyramid was surrounded with controversy, one of which is an urban legend that said six hundred sixty six glass panes were used to build this. More recently, this famous landmark spurred more controversy when Dan Brown incorporated it into his novel, The Da Vinci Code.
A great place to visit, especially on Fridays when they open late and admission fee is cheaper.
Posted in litratong pinoy





